Posted by
Wyrlo
Labels:
women
Women sometimes takes advantage of everything because of...hmm...their gender.
Exhibit A: Ang dakilang singitera
Sa pila, minsan may mga babaeng mahilig sumingit. Kahit may tao na dun sisingit at sisingit pa rin siya. Lalo na kung lalaki ang nasa pila. Gagamitin kunwari ang "charm" para mauna siya. Ang tanging kalaban lang niya eh ang kapwa babae. Mas nakakainis pa eh yung wala na ngang ka-charm charm at kapal na lang ng mukha ang gagamitin para makasingit. Sa pila ng jeep madami niyan.
Exhibit B: Ninja moves
May mga babaeng daig pa ang hangin sa pagka-ninja. Laging mauuna 'yan sa lahat ng bagay. Mapa-bagong damit, bagong chika, bagong uso, bagong sapatos, bagong hair, bagong mukha, bagong bf. At gaya ng mga dakilang ninja, may kakayahan din magmanipula. Lalo na sa lalaki. Kayang kaya ka nilang patalunin, patahulin, pasunurin, pakuhanin ng kung ano ano.
Bakit maraming babaeng umiiyak din at agrabyado kamo? Well, sila yung hindi pa nakikita ang potential at powers nila. At sila rin yung nakatagpo ng kanilang katapat na lalaki - ang mga "fly swatters".