Women's Exhibits

Posted by Wyrlo Labels:

0

Women sometimes takes advantage of everything because of...hmm...their gender.

Exhibit A: Ang dakilang singitera

Sa pila, minsan may mga babaeng mahilig sumingit. Kahit may tao na dun sisingit at sisingit pa rin siya. Lalo na kung lalaki ang nasa pila. Gagamitin kunwari ang "charm" para mauna siya. Ang tanging kalaban lang niya eh ang kapwa babae. Mas nakakainis pa eh yung wala na ngang ka-charm charm at kapal na lang ng mukha ang gagamitin para makasingit. Sa pila ng jeep madami niyan.

Exhibit B: Ninja moves

May mga babaeng daig pa ang hangin sa pagka-ninja. Laging mauuna 'yan sa lahat ng bagay. Mapa-bagong damit, bagong chika, bagong uso, bagong sapatos, bagong hair, bagong mukha, bagong bf. At gaya ng mga dakilang ninja, may kakayahan din magmanipula. Lalo na sa lalaki. Kayang kaya ka nilang patalunin, patahulin, pasunurin, pakuhanin ng kung ano ano.

Bakit maraming babaeng umiiyak din at agrabyado kamo? Well, sila yung hindi pa nakikita ang potential at powers nila. At sila rin yung nakatagpo ng kanilang katapat na lalaki - ang mga "fly swatters".



Ang ilan pang Exhibits ayon kina Grex at Mike:

Exhibit B.1: Tear Factor

Once a girl/woman starts to cry, admit it, we are powerless. Unless, we have maxed out our limits in patience, we don't stand a chance. Kahit pa sila ang may kasalanan, aakuin mo na lang. Based from personal experience ba ang tanong mo? Hahaha! No comment.

Exhibit B.2: Hug Me Tender

One hug at one kiss lang ng babae, sure remedy para sa init ng ulo. Hep hep... bawal ang malikot ang isip.

Sa dami ng powers ng mga babae, I'm sure this list can go on and on and on... parang energizer bunny lang yan.

Exhibit C: Silvertoes

Sila yung feeling nila e crush sila ng lahat ng boylets and will even try to manipulate you as if susunod ka talaga and try to take over you. Madalas feeling nila e nagpapacute ang mga boys sa kanya at sila pa ang malakas mangturndown. Problem lang with the silvertoes, sila yung ayaw na ayaw ng boys, well dahil sa feeling maganda sila and probably di mo talaga sya matytypean physically. Attitude problem kumbaga... kaya mga "fly swatters" comes handy para turuan siya ng leksyon.

Exhibit D: Hard to get girls

Eto naman yung mga girls na sobrang hard to get type, na minsan guys are afraid na lapitan sila, very intimidating. Actually it has nothing to do with her attitude it is based on guys assumptions that she is hard to get. Kawawa naman itong exhibit na ito, kasi kahit type niya na yung guy and type din sya ng guy pero dahil sa intimidated e di makalapit or makaligaw man lang. Maaring di sya gaanong kagandahan but guys are attracted to her and minsan kahit wala syang ginagawa e na-iintimidate ang mga lalaki na yayain man lang sya. Madalas they end up with imported guys or dun sa mga "fly swatters".

Ikaw? May ibang exhibits ka pa?

Comments (0)

Post a Comment