Nosebleed Day
Posted by Wyrlo Labels: tagalog or english
0
It's Wednesday today at work and it's nosebleed day.
Why you asked? Well, in order to train us to communicate well using the english language, our colleagues thought of having a nosebleed day wherein you should only speak in english and no tagalog words should blurt out from your mouth. If you do so, you'll be fined a peso per word you have uttered.
Easy? No!
It's difficult especially for a guy like me who's talkative. Don't get me wrong but I CAN speak in English and hell I am writing in english aren't I?
'Yun lang talaga kasi. Naiirita lang ako kapag nakikipagusap ka ng english sa kapwa mo Pilipino lalong lalo na kapag 'yung kausap mo nasosobrahan ang slang at pilit na ginagaya ang accent na hindi naman nararapat.
Siguro Filipino English pwede na. Yung tipong walang slang. Walang curve sa pagbigas. Yung walang halong kaartehan. Eh mas gusto ko pa ngang marinig yung barok english eh kesa yung sa sobrang kaartehan sa slang mapapa-slide ka sa kinauupuan mo sa dulas.
Call me nationalistic. O kaya makabayan. Pero hindi ba nararapat na magsasalita ka lang ng wikang banyaga kung kinakailangan gaya ng kapag kausap mo ay foreigner o kaya ang presentasyon mo sa publiko ay english at ang audience mo ay matatas sa english.
I have nothing against english per se. Besides, english made our country known because of how we are well versed when it comes to speaking in english. But this shouldn't lead us to thinking that speaking in english will make our country better. Dumarami lang ang mga feelingers pag ganun.
Bakit naman ang Japan? Ganun na lang ba sila nabibighani sa pagsalita ng english?
Opinion ko lang naman.
Image Source: linssky.com
Comments (0)
Post a Comment